Twice-to-beat ticket asinta ng Alaska
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi sasayangin ng Alaska ang pagkakataon para tuluyan nang masikwat ang inaasam na ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round, habang pilit namang pipitasin ng Rain or Shine ang No. 8 seat para makaiwas sa isang playoff.

Lalabanan ng Aces ang Elasto Painters nga-yong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Star Hotshots at sibak nang Mahindra Floodbuster sa alas-4:15 ng hapon sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Magkasosyo sa ikalawang puwesto ang Alaska, nasa two-game winning run at Star sa magkatulad nilang 6-4 baraha sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel, inangkin ang unang ‘twice-to-beat’ bonus sa kanilang 10-1 baraha.

Kung mananalo ang Aces laban sa Elasto Painters ay ganap na nitong maibubulsa ang No. 2 spot kahit manalo ang Hotshots sa Floodbuster dahil sa ‘win-over-the-other’ rule kung saan tinalo ng Alaska ang Star, 97-90, sa overtime noong Enero 11.

“We know that this is really a playoff game for both teams and we need to be extremely sharp,” sabi ni Aces’ head coach Alex Compton sa pagsagupa nila sa Elasto Painters ni mentor Caloy Garcia.

Posible namang magkaroon ng seven-way tie sa hanay ng Aces, Hotshots, TNT Katropang Texters, Globalport Batang Pier, Ginebra Gin Kings, Elasto Painters at Phoenix Fuel Masters sa magkakatulad nilang 6-5 baraha.

Babasagin ito sa pamamagitan ng quotient system para sa puwesto ng naturang mga koponan.

Sakali namang matalo ang Rain or Shine ay makakalaban nila ang Blackwater sa playoff para sa No. 8 seat at sasagupa sa No. 1 San Miguel sa quarterfinals.

“Kailangan sa Alaska pa lang ay ibuhos na namin ‘yung mga natutunan namin sa basketball para makapasok kami sa quarterfinals,” sabi ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap sa Elasto Painters na nasa three-game losing skid.

Sa tournament format ay magkakaroon ang No. 1 at 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Magtutuos naman sa best-of-three quarterfinals series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5, ayon sa pagkakasunod.

ELASTO PAINTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with