_pang-masa
^

James, Irving namayagpag

(Pang-masa) - January 21, 2017 - 12:22am

MANILA, Philippines - Ipinagdiwang nina LeBron James at Kyrie Irving ang kanilang pagkakahirang sa Eastern Conference All-Star starters matapos igiya ang Cleveland Cavaliers sa 118-103 panalo sa Phoenix Suns.

Tumapos si James na may 21 points at pinantayan ang kanyang season-high na 15 assists bukod pa sa paghablot ng 9 rebounds habang umiskor si Irving ng 26 points.

Hindi naman naglaro si Kevin Love bunga ng kanyang sore back.

Si James Jones ang sumalo sa naiwang trabaho ni Love at nag-ambag ng 14 points.

Ito ang ikalawang panalo ng Cavs sa huling limang laro.

Humakot naman si Tyson Chandler ng 22 points at 16 rebounds para sa Suns matapos magkaroon ng stomach problems sa nauna nilang laro.

Nagdagdag naman si Eric Bledsoe ng 22 points at 9 assists samantalang naglista si Devin Booker ng 21 points, 7 rebounds at 8 assists.

Ito ang pang-apat na kabiguan ng Phoenix sa huli nilang limang laban.

Kinuha ng Cavs ang 21-point lead sa dulo ng first half at hindi na nadikitan ng Suns na may worst record sa Western Conference.

Sa Miami, tumipa si guard Goran Dragic ng 32 points, habang humugot si Tyler Johnson ng 10 sa kanyang 23 markers sa fourth quarter para akayin ang Heat sa 99-95 panalo laban sa Dallas Mavericks.

Tinapos ng Miami ang season-high na three-game winning streak ng Dallas.

“Like an old-school Miami-Dallas game,” sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra.

Kumolekta si Hassan Whiteside ng 13 points kasunod ang 12 markers ni Dion Waiters para sa Heat.

Pinamunuan naman ni Dirk Nowitzki ang Mavericks sa kanyang 19 points, habang may 18 markers si Wesley Matthews kasunod ang tig-15 points nina Harrison Barnes at Seth Curry.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with