Valdez umpisa na ang training para sa Thailand team
KIKAY KIT (Pang-masa) - January 17, 2017 - 12:50am

MANILA, Philippines - Lumipad na patungong Thailand si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez noong Linggo para umpisahan ang paghahanda sa kanyang pagsabak sa Thai League.

Dumating si Valdez ng Linggo ng gabi sa Bangkok upang simulan ang bagong kabanata ng kanyang volleyball career.

Maglalaro si Valdez para sa 3BB Nakornnont sa Thai League, na kasalukuyang nasa second round na ng eliminations.

Makakalaro at makakatapat niya ang mga pinakamahuhusay na manlalaro ng volleyball sa Thailand, kabilang na si Pleumjit Thinkaow na siyang nanguna para sa koponan ng Bangkok Glass bilang kinatawan ng Thailand sa mga torneo ng FIVB noong nakaraang taon.

Maglalaro para sa 3BB Nakornnont ang dating Lady Eagle hanggang Abril, kung saan lalahok ang koponan sa Thai-Denmark League.

Magiging kakampi rin muli ni Valdez ang mga imports ng Bureau of Customs Transformers sa Shakey’s V-League Reinforced Conference na sina Som Kuthaisong at Nic Jaisaen.

Gagawa rin siya ng kasaysayan bilang unang Pilipinong manlalaro ng volleyball na magpapakitang-gilas sa liga ng ibang bansa.

Pagbalik ni Valdez ng bansa ay nakatakda siyang maglarong muli sa Reinforced Conference. (FML)

VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with