Gin Kings muling pinabagsak ang Bolts
HINTS AND TRACES - Russell Cadayona (Pang-masa) - January 15, 2017 - 12:05am

MANILA, Philippines - Kagaya ng inaasahan, naging maaksyon ang muling pagkikita ng Barangay Ginebra at Meralco matapos ang kanilang championship series sa nakaraang 2016 PBA Governor’s Cup.

Nakabalik ang Gin Kings mula sa 10-point deficit sa first period para gibain ang Bolts, 83-72, sa 2017 PBA Phi-lippine Cup kagabi sa San Agustin University Gym sa Iloilo City.

Ang ikaapat na panalo ng Ginebra sa walong laro ang nagpatibay sa kanilang pag-asa para sa isa sa natitirang pitong tiket sa eight-team quarterfinals cast.

Nalasap naman ng Meralco ang kanilang ikaanim na sunod na kamalasan para sa 2-7 rekord.

Nauna nang tinalo ng Gin Kings ang Bolts sa nakaraang PBA Governor’s Cup Finals kung saan isinalpak ni import Justin Brownlee ang game-winning three-point shot sa Game Six para ibulsa ang titulo.

Ipinoste ng Bolts ang 10-point advantage, 23-13, bago nakabangon ang Gin Kings para ku-nin ang 71-58 sa 5:31 minuto ng fourth quarter.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with