
MANILA, Philippines - Nagposte ang Globalport ng 17-point lead sa second period na naputol ng NLEX sa limang puntos sa gitna ng third quarter.
Subalit sa pagsisikap ni Fil-Am point guard Stanley Pringle ay nalampasan ng Batang Pier ang naturang paghahabol ng Road Warriors para kunin ang 110-96 panalo sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tumapos si Pringle na may 20 points, 7 assists, 5 rebounds at 2 steals sa ilalim ng 32 markers ni Terrence Romeo, nagsalpak ng 8-of-15 shooting sa three-point range.
“It’s a good win for us,” sabi ni coach Franz Pumaren. The coming games will be difficult. We’ll be facing tough teams in San Miguel, TNT and Rain or Shine.”
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Globalport para itaas sa 5-3 ang kanilang kartada at palakasin ang tsansa sa isa sa huling pitong tiket sa quarterfinal round.
Nabigo naman ang NLEX na maitala ang kanilang pangalawang dikit na ratsada na naghulog sa kanila sa 2-6 katabla ang nangungulelat na Meralco at nanganganib na masibak sa torneo.
Itinayo ng Batang Pier ang kanilang 17-point lead, 44-27 na naibaba ng Road Warriors sa third period para idikit ang laro sa 54-59.
Isang 12-0 atake ang pinangunahan ni Pringle para muling ilayo ang Globalport sa 71-54 patungo sa 83-61 pagbaon sa NLEX sa huling 40 segundo galing sa three-point shot ni Josh Urbiztondo.
Muling nakalapit ang Road Warriors sa 86-96 mula sa dalawang tres at isang triple nina Eric Camson at Alas sa hu-ling 5:03 minuto ng final canto. (RCadayona)
- Latest





















