Maierhofer, Rosario pinagmulta
(Pang-masa) - January 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos si Cliff Hodge ng Meralco, si Globalport bigman Rico Maierhofer at sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng TNT Katropa ang pinagmulta sa kasalukuyang 2017 PBA Philippine Cup.

Pinatawan ng PBA Commisssioner’s Office si Maierhofer ng P20,000 dahil sa kanyang flagrant foul penalty 2 sa laro ng Batang Pier laban sa Meralco Bolts sa pagbabalik ng aksyon noong nakaraang linggo.

Si Rosario ay pinagbayad ng P15,000 dahil sa pag-ilalim sa isang player ng Alaska sa pagsagupa ng Tropang Texters kontra sa Aces na kanilang tinalo, 109-100 noong Disyembre 23.

Multang P15,000 ang ipinataw kay Pogoy dahil sa kanyang ikatlong flagrant foul penalty one ngayong komperensya sa laro ng TNT Katropa laban sa NLEX noong Enero 7.

Hindi din nakaligtas si Road Warriors’ guard Eman Monfort na pinagmulta ng P10,000 dahil sa pagbira sa mukha ni one-time PBA MVP Kelly Williams ng Tropang Texters.

Sa unang linggo ng torneo ngayong 2017 ay umabot na sa P102,900 ang multa mula sa 15 players at kay coach Nash Racela (P1,000).

Ang mga multa at galing sa flagrant foul penalty at technical fouls.

Nauna nang minultahan si Hodge ng P20,000 dahil sa kanyang flagrant foul penalty 2 kay San Miguel guard Alex Cabagnot.

Ang lahat ng multa ay napupunta sa Players’ Trust Fund. (RCadayona)

2017 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with