Iniwanan ni Russell WEstbvrook ng Oklahoma sina JaMycal Green at Vince Carter ng Memphis para sa kanyang layup .
18 triple-double na si Westbrook
(Pang-masa) - January 13, 2017 - 12:00am

Oklahoma City -- Itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-18 triple-double sa season para pamunuan ang Thunder sa 103-95 panalo laban sa Memphis Grizzlies.

Nagposte si Westbrook ng 24 points, 13 rebounds at 12 assists para sa kabuuan niyang pang-55 triple-double.

Naduplika na niya ang kanyang triple-double total sa nakaraang season na siyang pinakamaraming nagawa ng isang NBA player matapos ang 18 ni Magic Johnson noong 1981-82 season.

Nag-ambag si Enes Kanter ng 19 points at may 16 si Victor Oladipo para sa Thunder, nakamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo at naipag-higanti ang nalasap na worst loss sa season.

Tinalo ng Memphis ang Oklahoma City, 114-80 noong Dec. 29 sa laro kung saan napatalsik si Westbrook.

Naglista naman si Mike Conley ng 22 points habang may tig-14 markers sina Zach Randolph at Chandler Parsons para sa Grizzlies.

Kinuha ng Oklahoma City ang 55-44 abante sa halftime ngunit nakadikit ang Memphis sa 58-59 agwat sa gitna ng third quarter.

Sa Philadelphia, nahaharap ang kanyang koponan sa 10-point deficit sa huling 2:29 minuto ng fourth quarter, pinagbidahan ni Joel Embiid ang pagbangon ng 76ers kagaya ng paghubog sa kanya bilang franchise player.

At isinalpak naman ni TJ McConnell ang kanyang baseline jumper sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Philadelphia laban sa bisitang New York Knicks, 98-97.

Tumapos si Embiid na may 21 points at 14 rebounds para tulungan ang Sixers na makabangon mula sa naunang 17-point deficit at kunin ang kanilang ikaapat na panalo sa huling limang laro.

“Playoff time, baby,” sabi ni Embiid.

Nagbalik naman si Derrick Rose matapos ang one-game hiatus at umiskor ng 25 points.

RUSSELL WESTBROOK
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with