San Miguel lalapit sa twice-to-beat
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sumasakay sa kanilang six-game winning streak, pipilitin ng nagdedepensang San Miguel na makamit ang playoff para sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, habang asam ng Rain or Shine na patuloy na masolo ang ikalawang puwesto.

Magtutuos ang Beermen at ang Elasto Painters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang sultada ng Globalport Batang Pier at NLEX Road Warriors sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa kanilang 7-1 record ay ang San Miguel pa lamang ang nakakatiyak ng tiket sa eight-team quarterfinals kung saan ang uupo sa No. 1 at No. 2 seats sa quarterfinals ay magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod.

Huling biktima ng Beermen ang Ginebra Gin Kings, 72-70 noong nakaraang Linggo para sa kanilang pang-anim na sunod na panalo.

Bagama’t naisuko ang itinayong 10-point lead ay sinandigan naman ng San Miguel ang kanilang depensa para talunin ang Ginebra.

Ang naturang depensa ang inaasahang ipapalasap ng Beermen laban sa Elasto Painters, nasa two-game winning run.

“I think playing defense is always been part of our forte, I want to say. It’s one of the things we do well with three of the best defensive players in Chris Ross, June Mar (Fajardo), and Arwind (Santos) out there,” sabi ni veteran guard Alex Cabagnot.

Kinuha naman ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang dikit na ratsada nang padapain ang Phoenix, 97-82 noong Linggo.

Ang pagsagupa sa Beermen ay isang ma-laking hamon para sa Elasto Painters, ayon kay mentor Caloy Garcia.

“We’re playing the hottest team in the league right now. It’s gonna be a big test on our part on how to be consistent on both offense and defense,” wika ni Garcia sa San Miguel ni coach Leo Austria.

Sa unang laro, kapwa tatargetin ng Batang Pier at Road Warriors ang kanilang ikalawang sunod na panalo para mapalakas ang  tsansa sa silya sa quarterfinals.

TWICE-TO-BEAT
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with