May pag-asa sa squash sa Malaysia SEAG
Joaquin M. Henson (Pang-masa) - January 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bagama’t labis na masasaktan ang boxing at weightlifting sa Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur sa Aug. 19-31 matapos bawasan ang mga events sa mga  sports na ito, malaking upgrade naman ang nangyari sa squash na magtataya ng nine gold medals at umaasa ang Philippine team na makakahakot sila ng ginto sa tulong ng bagong coach na isang half-Malaysia, half-Filipino.

Sinabi ni Philippine Squash Academy (PSA) pre-sident Bob Bachmann na pumayag na si world No. 134 Valentino Bon Jovi Bong na maging coach ng Philippine team sa nalalapit na SEA Games kung saan nakataya ang gold sa men’s at women’s singles, men’s at women’s teams, mixed doubles, men’s at women’s doubles at sa men’s at women’s jumbo doubles. 

Noong 2015 SEA Games sa Singapore, may limang events lang sa squash at nakakuha lang ang Philippines ng bronze medals sa men’s team mula kina Robert Garcia, Ricky Espinola at David Pelino, sa men’s jumbo doubles sa tulong nina Espinola at Pelino at women’s singles mula kay Myca Aribado.

Ang 27-gulang na si Bong, 27 ay bahagi ng Malaysian men’s team na naka-gold  noong 2015 SEA Games.  Siya ay Level 2 Asian certified coach na may seven years na coaching experience.  Si Bong ang head coach sa Pei Min Miri Squash Centre na may walong courts sa Sarawak.  Si Bong, Malaysian national junior champion noong 2006, ay nanalo ng gold medal sa men’s singles matapos talunin ang Singaporean na si Samuel Kang, 12-10, 3-11, 11-6, 11-5 sa SEA Cup sa Myanmar noong nakaraang taon.

Ang nanay ni Bong ay Filipina mula sa Cavite City.  Ayon kay Bachmann, plano ni Bong na maging dual citizen para makalaro sa Philippines simula sa 2018 Asian Games.   Sa ilalim ng rules ng World Squash Fe-deration, ang isang player ay puwedeng magpalit ng national team kung mayroon itong legitimate passport at may pagitan na tatlong taon para sa residency.  Ayon kay Bachmann, nais din ni Bong na lumaro para sa Philippines kapag nag-host ang bansa ng 2019 SEA Games.

Kung maaaprubahan ang coaching contract ni Bong ng PSC, makakatulong nito si Jun Paganpan sa pagmamando ng elite pool habang ang iba pang PSA coaches na sina Edgar Balleber at Jaime Ortua ang hahawak ng youth o developmental pool.

Apat na pros ang babandera para sa Philippine squad sa SEA Games sa Kuala Lumpur na sina   Garcia, 30-gulang, Pelino, 23, MacMac Begornia, 24 at Aribado, 23 na mga Filipino squashers na lumalaban sa professional circuit.  Ang ibang gustong mapasama sa team ay sina New Zealand-based Rafa Yam, Richard Espinola at Dondon Espinola sa men’s division at sina Aysah Dali-da, Joan Aribado, US-based Isabelle Gotuaco at Lovely Katsumata sa women’s division.  

SOUTHEAST ASIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with