Pacquiao vs Horn kasado na
THE EAR - Russell Cadayona (Pang-masa) - January 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kasado na ang pagdedepensa ni Manny Pacquiao ng kanyang world welterweight crown laban kay Australian challenger Jeff Horn sa Abril na posibleng gawin sa labas ng United States.

Ito ang inihayag kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions matapos ang pakikipag-usap kay Dean Lonergan, ang director ng Duco Events na tumatayong promoter ni Horn.

Itataya ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title laban sa 28-anyos na si Horn (16-0-1, 11 KOs), ang No. 2 contender.

Ang gusto ng kampo ni Horn, dating school teacher, ay gawin ang naturang laban sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

“The preference for all parties is for the fight to be held in Australia, and we are working towards this outcome,” ani Lonergan.

Ayon kay Arum, ang Pacquiao-Horn championship fight ay ang magiging pinakamalaking boxing event sa kasaysayan ng Australia kung sa nasabing bansa itatakda ang natu-rang bakbakan.

“I would expect 3,000-4,000 Filipinos to fly from the Philippines for this fight down under,” wika ni Arum. “It will be the biggest fight in Australian history but, until the money is secured, we have to keep our options open, including looking at the Middle East and USA.”

Bukod sa Australia, ang iba pang bansa na nag-alok na pamahalaan ang laban nina Pacquiao at Horn ay ang England, Abu Dhabi at Russia.

“Australia, England, the MidEast and Russia, even. I’ve been getting offers. So then I talked to Manny and we decided, ‘Let’s do a world tour like (Muhammad) Ali.’ And as long as he’s performing OK, every couple months we’d fight in a different place. And that was very appealing to Pacquiao,” wika ni Arum.

Hindi kilala sa buong mundo si Horn, lumaban para sa Australia sa Olympic Games noong 2012 sa London.

Binanggit lamang ni Arum ang pangalan ni Horn nang tila tanggihan nito ang naunang pahayag ni Pacquiao na lalabanan niya si unified light welterweight king Terence Crawford (30-0-0, 21 KOs) kung bibigyan siya ng Top Rank ng guaranteed prize na $20 milyon.

Sinabi naman ni Horn na alam niya kung paano talunin si Pacquiao, nanaigkay Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) via unanimous decision sa kanyang comeback fight noong Nobyembre 6, 2016.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with