Derrick Rose di nakalaro sa Knicks
(Pang-masa) - January 11, 2017 - 12:00am

NEW YORK - Hindi naglaro si Derrick Rose sa pagsagupa ng Knicks sa bisitang New Orleans noong Lunes dahil sa hindi malamang dahilan.

Ayaw magkomento ng Knicks kung nasaan si Rose o anumang bagay kung bakit hindi nakita ang All-Star guard sa kabiguan ng koponan sa Pelicans.

Ngunit sinabi ni center Joakim Noah matapos ang laro na nakausap niya si Rose, ang kanyang longtime Chicago teammate.

“Obviously, Derrick’s one of our better players and when he’s not here it’s tough, but just happy that everything is OK with him,’’ wika ni Noah kay Rose.

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Noah tungkol sa kanilang naging pag-uusap ni Rose.

Sumama si Rose sa morning shootaround at hindi nagbigay ng indikasyon si coach Jeff Hornacek tungkol sa hindi paglalaro ng kanilang point guard.

DERRICK ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with