SBP posibleng maging co-host ng World Cup
Joaquin M. Henson (Pang-masa) - January 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – May hanggang Ene-ro 18 ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para magsumite ng isang accomplished form bilang pre-quali-fying requirement sa pagho-host ng 2023 FIBA World Cup.

Sa pag-bid ng SBP ay maaaring may dala-wa pang bansa silang makakatulong para sa isang multi-nation offer.

Humigit-kumulang sa 13 bansa ang nagpa-ramdam ng interes na pamahalaan ang 2023 edition na magtatampok sa 32 national teams na nakatakda sa Setyembre 11 hanggang Oktubre 12.

Noong Nobyembre ay nagsagawa ang FIBA ng two-day workshop para ipaliwanag sa mga prospective bidders ang standards ng hosting  ng World Cup sa kanilang headquarters sa Mies, Switzerland.

Ang mga bansang dumalo sa workshop ay ang Pilipinas, Argentina, Uruguay, Australia, Germany, Hong Kong, Israel, Japan, Poland, Russia, Serbia at Turkey.  

Nagsabi naman ang Qatar, walang kinata-wan sa nasabing workshop, na magsusumite sila ng bid.

Sa 13 bansa na nagpakita ng interes, lima dito ay nauna nang na-ging host.

Ito ay ang Argentina (1950 at 1990), Uruguay (1967), Pilipinas (1978), Japan (2006) at Turkey (2010).  

Ang China ang ma-mamahala sa World Cup sa 2019.

Pinamahalaan ng Eu-rope ang FIBA World Cup sa pamamagitan ng Turkey noong 2010 at Spain noong 2014 at matapos ang China sa 2019 ay maaaring may Asian country ang manalo sa bidding sa 2023.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with