Lady Stags muling nakisosyo sa liderato
(Pang-masa) - December 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagwagi ang San Sebastian College Lady Stags kontra sa San Beda College Red Lionesses, 25-16, 25-13, 25-16  kahapon para makisosyo uli sa liderato ng women’s division ng 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos manlamig sa nakaraang laro ng Lady Stags, bumawi ang reigning MVP na si Grethcel Soltones para pangunahan ang kanilang ika-apat sunod na panalo at tumabla sa College of St. Benilde Blazers sa parehong 4-0 win-loss slate.

Ito na ang kanyang paraan para bumawi sa laro nila laban sa Letran kung saan umani lamang ito ng 11 puntos ngunit tinalo pa rin nila ang Lady Knights, 28-26, 25-14, 24-26, 24-26, 15-7 kahit mababa ang kanyang produksiyon.

Pinangunahan naman ni Francesca Racraquin ang  Red Lionesses sa kanyang 11 puntos ngunit kulang  sa depensa laban sa Lady Stags. Ang Red Lioness ay bumagsak sa 3-1 kartada.

Sa men’s division, nanalo naman ang San Beda Red Lions laban sa San Sebastian Stags, 25-13, 25-23, 25-17 para umangat sa ikalawang puwesto kasama ang St. Benilde Blazers sa parehong 3-1 record.

Tagumpay naman ang SBC Red Cubs sa San Sebastian Staglets, 19-25, 25-20, 25-18, 25-23 para sa kanilang unang panalo sa apat na laro. (FCagape)

FILOIL FLYING V ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with