Lady Archers vs Lady Bulldogs sa UAAP women’s finals
(Pang-masa) - December 1, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagposte ng 23 puntos si Khate Castillo upang pamunuan ang  De La Salle sa panalo sa University of the East, 72-50 upang maitakda ang best-of-three title series kontra  sa National University sa pagtatapos ng UAAP Seson 79 women’s basketball stepladder semifinals Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong finals appearance ng La Salle sa loob ng apat na taon.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang Lady Archers upang magapi ang Lady Warriors na nilamangan pa nila ng hanggang 27 puntos.

Nagtala si Love Sto. Domingo ng 22 puntos at 10 rebounds upang pamunuan ang UE.

Ang pang No. 3 ang pinakamataas na inabot ng Lady Warriors kay coach Aileen Liborio. FML

DE LA SALLE KHATE CASTILLO UAAP SESON 79 WOMEN’S BASKETBALL UNIVERSITY OF THE EAST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with