Foton, Petron agawan sa No. 1 position
(Pang-masa) - November 24, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Paglalabanan ng defending champions Foton at Petron ang unang puwesto sa standings sa huling araw ng elimination round ng 2016 Phi-lippine Superliga Grand Prix sa San Juan Arena ngayong gabi.

Tabla sa rekord na 8-1, parehong aabante sa semifinals ang dalawang koponang ito at ang kanilang laban sa alas-7:00 ng gabi ay para sa kanilang match-up pairing sa playoffs.

Sa panig ng Tri-Activ Spikers, determinado silang makabawi sa Tornadoes na siyang nagbigay ng kaisa-isa nilang talo sa eliminations noong Nobyembre 8, 25-18, 23-25, 25-14, 19-25, 15-13.

“We will prepare hard for this game knowing that Foton will be in full force,” pahayag ni Petron head coach Shaq Delos Santos.

Aasahan pa rin ni Delos Santos ang kanilang mga import na sina Stephanie Niemer at Serena Warner kasama ang mga local key players na sina Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, Jen Reyes, Bang Pineda at April Ross Hingpit para bigyan ng matinding laban ang Foton upang masungkit ang unang puwesto.

Para naman kay Foton head coach Moro Bra-nislav, mas inaalala niya ang parating na knockout semifinals kaya’t nais niyang gawing bahagi ng preparasyon ng kanyang koponan ang laban kontra sa Petron.

“We will use it just to prepare for the semifinals,” ayon kay Branislav. “The semis is the much bigger battle. One loss and you’re out. That’s our main concern right now.”

Sa isa pang laro, maglalaban ang RC Cola-Army at Cignal sa ganap na alas-5:00 ng hapon, kung saan susubukan ng 1-8 na HD Spikers na huwag malaglag sa huling pwesto sa standings. FML

PHI-LIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with