Baby Falcons nangibabaw
(Pang-masa) - November 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Humakot si Encho Serrano ng 25 points, 10 rebounds at 3 steals, habang humugot si Gerry Abadiano ng siyam sa kanyang 13 points sa fourth period para sa 80-67 panalo ng Adamson laban sa National University sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Baby Falcons para solohin ang liderato ng torneo.

Kaagad kumamada si Serrano ng 12 points sa pinakawalang 28-8 atake ng Adamson sa first quarter para kontrolin ang laro nila ng NU.

Umiskor sina Win-derlich Coyoca at John Paul Clemente ng tig-16 points para sa NU (2-1).

ADAMSON 80 — Serrano 25, Abadiano 13, Celis 12, Tamayo 9, Antiporda 6, Flores 4, Santos 4, Padrigao 3, Agbong 2, Sabandal 2, Beltran 0, Umayao 0, Desoyo 0.

NU 67 — Coyoca 16, Clemente 16, Amsali 12, Atienza 8, Penano 6, Sarip 4, Manalang 3, Malonzo 2, Callejo 0, Tolentino 0.

Quarterscores: 28-8; 38-29; 57-54; 80-67.

UAAP SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with