May mga pinagpipilian na si Manny
(Pang-masa) - November 9, 2016 - 12:00am

LOS ANGELES – Bagama’t wala pang kasiguruhan ang hinaharap ni Manny sa boxing ring, may binanggit nang mga pangalan si Top Rank Inc. chief Bob Arum na maaaring susunod na makakaharap ng Filipino icon.

Si Unified WBC at WBO super lightweight champion at rising star Terence Crawford ang nangunguna sa listahan na puwedeng makalaban ni Pacquiao.

Lalaki ang tsansa ni Crawford (29-0, with 20 KOs) na makatapat si Pacquiao kung mananalo sa kanyang nakatakdang laban kontra kay John Molina Jr.

“Off the cuff, without really explo-ring all options – I would say Terence Crawford [can be Pacquiao’s next opponent], who has a tough fight coming up on December 10th,” sabi ni Arum sa mga reporters matapos talunin ni Pacquiao si Jessie Vargas sa Las Vegas noong Sabado.

Maraming boxing observers ang gustong makita ang Pacquiao-Crawford showdown. Marami kasi ang naniniwala na mas ka-match ni Pacquiao si Crawford kaysa kay Vargas.

Pinalutang  ni Arum ang pangalan ng  Ukrainian star at WBO super fea-therweight champion na si Vasyl Lo-machenko, isang legendary Olympian at bagong rising Top Rank fighter.

May nakatakdang laban din si Lo-machenko laban kay Nicholas Walters na sumikat matapos pabagsakin si Nonito Donaire noong 2014.

Nasa radar din ni Pacquiao ang mga welterweight titlists na sina Danny Garcia (WBC) at Keith Thurman (WBA).

“All of those guys would be in the mix,” dagdag ng veteran promoter.

Ngunit hindi mapapantayan ng mga labang ito ang kikitain ng laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na nanood sa ringside sa laban ng Fighting Senator laban kay Vargas na naging mitsa ng usap-usapan ukol sa kanilang rematch ni Mayweather.

Para kay Pacquiao, walang problema sa pagharap kay Crawford, Mayweather or any other guy pitted against him.

“If the fans want it (then I’m for it). Huwag lang sabay,” Pacquiao joked in his Las Vegas suite the day after his victory over Vargas.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with