Hindi balanse ang line-up ng Star
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - November 1, 2016 - 12:00am

Ano ngayon ang shuffle na gagawin ng Star Hotshots sa kanilang lineup ngayong ito ay nag-uumapaw sa guard spots sa pagdating ni Paul Lee mula sa trade deal at ni Jio Jalalon mula sa katatapos na draft proceedings.

Nagmukhang security agency ang Star team dahil sa dami ng kanilang guwardiya kasama di-to ang datihang sina Mark Barroca, PJ Simon, RR Garcia, Alex Mallari at Justin Melton.

Malamang na may mga trade deals silang papadating dahil obvious na hindi balanse ang ka-nilang lineup.

Ang sigurado ay mananatili si Jalalon sa koponan dahil hindi puwedeng i-trade ng mga PBA teams ang kanilang Gilas recruits at least sa susu-nod na dalawang taon.

Ang tanong ay sino sa ibang Star guards ang mapupunta sa ibang koponan?

Nanatiling manipis ang kanilang frontline dahil si 6-foot-4 UE center Chris Javier lamang ang malaking player na nakuha nila sa draft.

Kailangang mahinog na ng husto ni Ian Sanggalang upang tumibay ang frontcourt ng Star.

Matanda na ang kanilang frontcourt na kina-bibilangan nina Marc Pingris at Rafi Reavis.

Ang pinakamalaki sa Gilas pool na si Arnold Van Opstal ay napunta sa San Miguel Beer, samantalang ang pinakamagandang materyales na si Mac Belo ay napunta sa Blackwater.

Ayon kay bagong Star head coach Chito Victolero, tulo ang laway niya kay Jalalon noong panahong hawak pa niya ang Mapua Cardinals sa NCAA.

Sinubukan niyang i-recruit si Jalalon ngunit nagdesisyon itong sa Arellano U magpunta.

****

May pag-asang patuloy na lumaro sa NBA D-League ni Bobby Ray Parks, Jr. matapos i-pick ng Westchester Knicks (New York Knicks affiliate) sa katatapos na NBA D-League draft.

Nasalang muli sa draft ang pangalan ni Parks matapos siyang i-cut ng kanyang unang koponang Texas Legends.

Siya ang panghuling pick sa draft procee-dings (No. 8 in the sixth round)

Dalawa namang recent PBA imports ang napili rin sa draft – sina LaDontae Henton (No. 10 overall ng koponang Santa Cruz) at Keala King (No. 90 ng Greensboro).

****

DATOS: Mukhang naka-jackpot sa draft ang pakiramdam ngayon ng kasangga kong si Kandong Pabaya ng Maysan, Valenzuela dahil sa sabay na pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang dalawang anak na si Carmel at Rica.

Natapos ni Carmel ang kursong travel ma-nagement at si Rica naman ay hotel and restau-rant management sa Our Lady of Fatima U.

Binabati ng tropang kubo ang mag-asawang Kandong at Mildred.

STAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with