Men’s Open singles itatampok sa pagbubukas ng 2016 Bingo Bonanza National Open
Francisco Cagape (Pang-masa) - October 17, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang mga aksyon sa men’s Open singles ng 2016 Bingo Bonanza National Open Badmin-ton Tournament sa CW Home Depot ng Ortigas malapit sa Doña Julia Vargas Ave. corner Me-ralco sa  Pasig City.

Mahigit 20 laro ang magaganap sa buong araw ng pagbubukas ng torneo.

Si Johnrick Macabenta ng Adamson ay haharap sa beteranong si JC Clarito ng HP2, habang lalabanan ni Cris Sanchez ang kanyang kakampi sa Team Prima na si Adrian Ramos sa unang dalawang laro sa alas-10 ng umaga sa upper half ng 64-player draw na pinangunahan nina top seed Kevin Cudiamat, No. 2 Frell Gabuelo and No. 3 Ros Pedrosa na mga miyembro ng PBA Smash Pilipinas, at fourth seed Orlan Ticala ng Team Prima.

Sa iba pang laro, magsasagupa sina Jer-vin Carlos ng National University at Letran-Calamba bet Edwin Dodds;  si Andrei Babad ng UP laban kay wildcard Justin Vanzuela ng Jumpsmash Academy of Badminton; si Clarence Filart ng Ateneo laban kay Team Prima player Marc Lo; at si Christian Yabut ng UST kontra kay Jommel Saragena ng Team Prima.

Ang kampeon sa nakaraang taon na si Mark Alcala, tumalo kay Ke-vin Cudiamat sa finals, ay hindi makakalaro dahil siya ay nasa US ngayon.

Ang taunang torneo ay sinusuportahan ng Bingo Bonanza Corp. at may basbas ng Philippine Badminton Association sa pangunguna nina president Jejomar Binay at sec-gen Rep. Albee Benitez.

Kahit wala si Cudia-mat ay malalim pa rin ang partisipasyon ng mga magagaling na pla-yers sa bansa sa event na suportado ng EventKing Corp. at Victor PCOME, ang opisyal na equipment, SM Megamall, Smash Pilipinas at Philippine Olympic Committee.

Inaasahan rin ang magandang ipapakita sa mga top collegiate at club players mula Metro Manila at mga iba’t ibang probinsiya na hangaring maiuwi ang premyong P100,000 sa men’s at women’s singles’ at P120,000 sa men’s doubles, wo-men’s doubles at mixed doubles event.

Ang qualifiers at quarterfinals ay gagana-pin sa CW Home Depot bago lilipat ang torneyo sa SM Megamall para sa semis at finals sa Oct. 22 at 23.

 

BINGO BONANZA NATIONAL OPEN BADMIN-TON TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with