Family Fun Run sa Alaska Milk Day
Joy Cantos (Pang-masa) - June 9, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipagdiriwang sa Alaska Milk Day ang kahalagahan ng proper nutrition at exercise sa pamamagitan ng sabay- sabay na Family Fun Run sa McKinley West, Taguig; SM City Naga; SM City Davao; at SM Seaside Cebu sa June 11.

Para sa annual World Milk Day, magdaraos ang Alaska Milk  ng karera sa alas-5:00 ng umaga at paginom ng gatas sa alas-6:00 at  Zumba sessions sa alas-6:30  at pagkatapos nito ay may libreng almusal.

Walang Registration fee. Sa bawat participant, magdo-donate ang Alaska ng corresponding Alaska products sa beneficiary na Children’s Hour. Mahigit five thousand runners na ang nagparehistro sa Metro Manila pa lamang.

Ang iba’t ibang kate-gorya ay 3K para sa pamilya, 3k at 5k para sa individuals bukod pa sa 1K para sa mga batang 6-8 gulang na bawat partisipante dito ay bibigyan ng  libreng Disney at Marvel character theme freebies bukod pa sa finishers’ medals.

Para sa mga  information, i-like ang Facebook page  na https://www.facebook.com/WorldMilkDayPH at para sa updates at announcements i-follow ang @AlaskaWorldMilkDay sa Twitter at Instagram.

EXTORTION PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with