Unang panalo asam ng Bali Pure
Non Alquitran (Pang-masa) - June 6, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Susubukang makuha ng Bali Pure Water Defenders ang kanilang unang panalo sa ikalawa nilang laro laban sa NU Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan mamayang gabi.

Mag-uumpisa ang laro sa ganap na alas-6:30 ng gabi kasunod ng laro ng Philippine Air Force Jet Spikers kontra sa UP Lady Maroons na hanap din ang kanilang unang panalo.

Matatandaang tinalo ng Jet Spikers ang Water Defenders sa kanilang unang laro noong nakaraang Lunes, May 30 sa loob ng apat na sets.

Inamin ni Charo Soriano na nag-a-adjust pa siya sa kanyang trabaho bilang isang playing coach para sa Bali Pure.

“It was different because I had to play but then again, I had to think about timeouts and substitutions,” paglalarawan ni Soriano sa isang panayam matapos matalo sa unang laro.

Sinabi rin ni Soriano na pipilitin nilang bumawi bagama’t medyo late nang nabuo ang kanilang line-up.

“This team was formed late talaga. A lot of our players already had their yearly calendars planned out before committing to play for us. Which is not an excuse. It’s on us to prepare better and play better during games. Now that we’ve seen what we need to work on, it will be a bit easier for us to pinpoint them in practice,” pahayag ni Soriano.

Sa panig naman ng Air Force, tatangkain nilang makuha ang ikatlong sunod na panalo upang sumosyo sa liderato ng Open Conference na hawak ngayon ng Pocari Sweat Warriors na may 3-0 na kartada.

Makakaharap nila ang Lady Maroons na susubukang makabawi sa kanilang pagkatalo sa opening day ng liga sa kamay ng Pocari Sweat.

Mauuna sa mga larong ito ang laban ng Cignal (2-0) at Navy (0-1) sa Spikers Turf sa ganap na ala-1:00 ng hapon. (FML)

 

CAINTA FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with