Livingston, Iguodala at Barbosa nagbida role players nagligtas sa Warriors sa game 1
Baby E (Pang-masa) - June 4, 2016 - 12:00am

OAKLAND, California – Nangailangan ang Go­l­den State Warriors ng kontribusyon mula sa kanilang bench nang dapuan ng kamalasan sina superstar Stephen Curry at Klay Thompson.

At hindi naman sila pinahiya ng kanilang mga reserves.

Nagtuwang sina Shaun Livingston, Andre Iguodala at Leandro Barbosa sa paghuhulog ng 15-0 bomba sa pagtatapos ng third period at pagsisimula ng fourth quarter para tulungan ang Warriors sa 104-89 paggiba sa karibal na Cleveland Cavaliers sa Game One ng 2016 NBA Finals.

“I missed some shots and didn’t get a rhythm, but the way that they defended, we’ll be able to find some adjustments for Game Two. Not worried about that,” sabi ni Curry, tumapos na may 11 points, habang may 9 makers si Thompson.

Sa rematch ng nakaraang championship series na inangkin ng Warriors sa 4-2, naagaw ni LeBron James at ng Cavaliers ang unahan sa gitna ng third quarter.

Ngunit nag-init sina Livingston, kumubra ng playoff career-high na 20 points, Iguodala at Barbosa, nag-ambag ng 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod,  para muling ilayo ang Warriors.

Umiskor ang bench ng Golden State ng kabuuang 45 points kumpara sa 10 ng mga reserves ng Cleveland.

Kumolekta naman si Draymond Green ng 16 points, 11 rebounds at 7 assists para tulungan ang Warriors sa paggiba sa Cavaliers.

“You don’t win championships without the entire squad coming in and making an impact on games,” sabi ni Curry. “That’s why we’re here.”

Ang Game 2 ay itinakda sa Linggo sa Oracle Arena at alam ni James na kailangang mag-adjust ang Cleveland para makatabla sa serye.

Inilagay si Iguodala sa starting lineup noong Lunes sa Game 7 laban sa Oklahoma City Thunder para lamang bantayan si Kevin Durant, subalit naglaro ng 36 minuto sa Game 1 ng NBA Finals.

Ipinagdiwang niya ang kanyang two-handed slam mula sa pasa ni Curry sa 5:44 minuto ng third period at hindi pinansin ang paghampas sa kanyang kaselanan ni Cava’s guard Matthew Dellavedova.

Nagbalik naman si Barbosa mula sa isang minor back in­jury para magsalpak ng perpektong 5-for-5 at tu­mapos na may 11 points, habang ang 2015 finals MVP na si Iguodala ay kumolekta ng 12 points, 7 rebounds, 6 assists at matibay na depensa kay James.

“We play a lot of people, and we feel like we have a lot of talent on the bench that can come in and score when we need it,” sabi ni coach Steve Kerr. “So it’s a great sign, obviously, that we can win in the finals without those two guys having big games, but it’s not really that surprising to us. This has been our team the last couple of years.”

Ang Game 1 ay pinakinang ng mga golden yellow ‘Strength in Numbers’ T-shirts na isinuot ng mga fans.

“That’s our motto. That’s what we believe in,” ani Livingston. “We pick each other up.”

THE VOICE KIDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with