Hindi pa tapos si Steph Curry
Ghio Ong (Pang-masa) - June 2, 2016 - 12:00am

OAKLAND, California – Suot pabaligtad ang charcoal gray NBA Finals cap habang nakangiti, sinabi ni Stephen Curry na hindi pa siya tapos magtrabaho.

Muling nagbalik ang porma ng NBA MVP at tila wala nang bakas ang kanyang ankle at right knee sprain maski ang bukol sa siko matapos mag-dive sa stands na sanhi ng pagkawala niya sa ilang laro sa playoffs.

“Now we’re four wins away from our goal, and that’s a pretty special accomplishment,” sabi ni Curry matapos wakasan ng kanyang Golden State Warriors ang Western Conference finals sa pagsibak sa Oklahoma City Thunder sa Game 7.

Dinala ni Curry ang Warriors na may record 73-wins, pabalik sa NBA Finals para sa tsansang makamit ang ikalawang sunod na korona.

Ang hangad na back-to-back NBA championship ay nasa isip na ng Golden State simula sa Day 1 maski na kinailangan nilang makabangon sa 1-3 deficit laban sa Thunder.

Masakit na ang katawan, ipinasa ni Curry ang trabaho sa kanyang Splash Brother na si Klay Thompson para makabalik sa NBA Finals.

Para kay Curry, may isa pang hakbang para magkaroon ng saysay ang kanilang record-setting season.

Ang 28-anyos na global superstar ang naging unang unanimous choice na MVP sa league history at unang player na nagsalpak ng 300 three-pointers sa isang season para sa kanyang 402 triples bago nagkaroon ng mga injuries.

“I feel joy, for sure,” wika ni Curry. “This is an unbelievable accomplishment, to go back-to-back to the Finals and continue this journey. So I’m kind of just taking in the moment and enjoying it with my teammates.”

Apat na panalo sa NBA Finals ang dapat makuha ng Warriors para tuluyang makamit ang ikalawang sunod na titulo.

ECSTACY PASAY SUSPECT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with