Pocari Sweat, NU agawan sa liderato
Chris Co (Pang-masa) - June 1, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pag-aagawan ng Pocari Sweat at National University ang solong liderato ng Shakey’s V-League Season 13-Open Conference sa kanilang bakbakan ngayong hapon sa The Arena, San Juan City.

Nagmula ang Warriors sa 25-18, 25-14, 25-22 paggiba sa UP Lady Maroons, habang pinatumba ng Lady Bulldogs ang Laoag Power Smashers, 25-21, 25-20, 23-25, 25-21 sa pagbubukas ng torneo noong Sabado.

Magtatagpo ang Pocari at ang NU sa ganap na alas-6:30 ng gabi.

Muling aasahan ng Warriors sina Michelle Gumabao, Myla Pablo at Elaine Kasilag, nagbida sa kanilang panalo sa Lady Maroons sa pagharap sa  Lady Bulldogs.

 “We would need to play a little more aggressive because we know NU is a strong team,” sabi ni Pocari assistant coach Rommel Abella, pansamantalang humalili sa nagbabakasyong si head coach Tai Bundit.

Bagama’t humataw si Jaja Santiago ng match-best 21 hits, ang bagong setter namang si Jasmine Nabor ang naka-tulong sa panalo ng NU laban sa Laoag.

Nagtala si Nabor, ginawang setter mula sa pagiging outside spiker dahil sa pagkawala sa tropa nina Ivy Perez at Rica Diolan ng 31 excellent sets bukod pa sa 10 hits.

“She did great in our first game and I have high hopes she will keep it up,” wika ni coach Roger Gorayeb kay Nabor.

Sa alas-4 ng hapon ay magtutuos naman ang Iriga (0-1) at Baguio (0-0), habang sa Spikers’ Turf ay magkakasubukan ang Sta. Elena at Air Force sa ala-1.

AIR FORCE SPIKERS’ TURF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with