Ika-3 sunod na panalo kapwa asam ng Cafe France at UP QRS/Jam Liner
(Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kapwa tatargetin ng CafeFrance at UP QRS/Jam Liner ang kanilang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa liderato ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Maglalaban ang Bakers at Maroons ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Mindanao Aguilas at Tanduay Rhum Masters sa alas-2.

Nanggaling ang Café France sa 110-86 paggiba sa BDO-National U Bulldogs noong nakaraang Huwebes para ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Umiskor naman ang UP ng 102-86 panalo laban sa Tanduay para kunin ang pangalawang dikit nilang ratsada.

“I think UP has lots of big men but I got guys to match them too. This game will gauge on how good Cafe France can be this conference,” sabi ni Bakers’ coach Egay Macaraya sa Maroons.

Muling aasahan ng Cafe France sa shaded lane si Congolese center Rod Ebondo laban kina Raymond Aguilar, Raul Soyud at Alfred Batino ng UP na ipaparada rin ng Maroons sina Kevin Ferrer, Gelo Alolino at Paul Desiderio.

Kaalukuyang tangan ng Caida Tiles ang lide-rato sa kanilang bitbit na 3-0 baraha.

ALFRED BATINO ANG CAFE FRANCE CAIDA TILES D-LEAGUE ASPIRANTS EGAY MACARAYA GELO ALOLINO JAM LINER KEVIN FERRER MINDANAO AGUILAS NATIONAL U BULLDOGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with