Irving binanderahan ang Cavs sa overtime laban sa Pacers
(Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

INDIANAPOLIS - Hinikayat ni point guard Kyrie Irving sa isang break sa regulation at overtime ang kanyang mga kakampi na tapusin ang laro.

Ipinakita niya sa loob ng limang minuto kung pa­ano ito gawin.

Umiskor ang All-Star guard ng anim sa kanyang 25 points sa overtime at nagsalpak ng apat na free throws sa huling minuto para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 111-106 overtime win laban sa Indiana Pa­cers.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Cavaliers at kauna-unahan sa Indianapolis sa huling anim na taon.

“We gave ourselves a chance, now it was time to lock in and do what we were supposed to do,’’ sabi ni Irving. “We got stops and, obviously, they were ma­king shots so it was going to be tough down the stretch, but we just wanted to get out and run.’’

Habang hindi naman nagdomina ang Cavs sa over­time ay tiniyak naman ni Irving na hindi makakadikit ang Pacers.

Tumapos si LeBron James na may 24 points, 12 rebounds at 6 assists, ngunit may 7 points lamang ma­tapos masaktan ang kanyang kanang balikat sa third quarter.

Ipinagpatuloy ng four-time MVP ang paglalaro at nagsalpak ng isang 11-foot jumper sa huling 1:40 minuto sa overtime para ibigay sa Cavs ang bentahe.

Nagdagdag sina Kevin Love at J.R. Smith ng tig-19 points, habang kumolekta si Tristan Thompson ng 14 points at 12 rebounds para sa Cleveland.

Sa Salt Lake City, nagtala si Gordon Hayward ng 27 points at 12 rebounds para pagbidahan ang Utah Jazz sa 105-96 overtime win laban sa Chicago Bulls.

Kumamada ang veteran forward sa huling mga minuto ng fourth quarter at maging sa extra period.

“When guys go down, it’s a chance to expand your game,” sabi ni Hayward. “You’re doing some things you probably wouldn’t necessarily be doing. For all of us, we’ve gotten better because of it.”

Nag-ambag si Rodney Hood ng 19 points, habang humakot si Rudy Gobert ng 16 points at 12 rebounds para sa pangatlong sunod na arangkada ng Utah.

Tumipa naman si Jimmy Butler ng 26 points at nagdagdag si Pau Gasol ng 19 points at 8 rebounds sa panig ng Chicago.

Nagdagdag si Derrick Rose ng 14 points para sa Bulls, natalo sa ikatlong pagkakataon sa huli nilang apat na laro.

Naglista ang Bulls ng 0-for-5 fieldgoal shooting sa overtime at may 3 turnovers sa nasabing five-minute stretch.

“They got the momentum right away,” ani Bulls coach Fred Hoiberg sa Jazz. “We talked about that in the huddle - going out and getting the momentum. They hit a couple of shots and built off of that. We just couldn’t get it back.”

Umiskor si Hayward ng 15 points at 4 rebounds sa huling 5:30 minuto ng regulation at sa overtime.

Ang three-pointer ni Rose sa huling 18.5 segundo sa fourth quarter ang nagbigay sa Bulls ng 93-90 kalamangan.

Isinalpak naman ni Hayward ang kanyang layup sa nalalabing 4.8 segundo para akayin ang Jazz sa overtime period.

 

ACIRC ANG CHICAGO BULLS CLEVELAND CAVALIERS DERRICK ROSE FRED HOIBERG GORDON HAYWARD INDIANA PA IRVING OVERTIME POINTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with