^

Mayweather wala nang balak labanan si Pacquiao

RCadayona (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dapat nang itigil ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang kanyang pangarap na maitakda ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Maywea­ther Jr.

Sinabi ni Mayweather na wala na siyang balak bumalik sa ibabaw ng bo­xing ring matapos magretiro noong Setyembre.

Kung babalik man siya sa boxing ay hindi mala­king premyo ang kanyang magiging prayoridad.

“As of now, I am out completely. If I do get the itch to come back, it really won’t be for the money but I have to get paid. That’s why the nickname is Floyd ‘Money’ May­wea­ther,” sabi ng American world five-division tit­list.

Tinalo ng 38-anyos na si Mayweather ang 33-anyos na si Pacquiao via unanimous decision no­ong Mayo 2.

Isinabit ni Maywea­ther ang kanyang boxing gloves matapos gibain si Andre Berto at pantayan ang all-time record na 49-0-0 win-loss-draw ring re­cord ni heavyweight le­gend Rocky Marciano.

Muling lumitaw ang pa­ngalan ni Mayweather sa idinaos na two-city press tour nina Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. pa­ra sa kanilang pangatlong bakbakan sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Arum, kung muling tatalunin ni Pacquiao ang 33-anyos na si Bradley ay may posibili­dad na pumayag si May­wea­ther sa isang rematch.

Sinabi ni Pacquiao na magreretiro para tumutok sa pulitika.

ACIRC ANDRE BERTO ANG BOB ARUM FLOYD MAYWEA IF I LAS VEGAS MANNY PACQUIAO MAYWEATHER PACQUIAO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with