SMBeermen gagawa ng history
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa kasaysayan ng professional sports ay wala pang koponang nakakabangon mula sa isang 0-3 pagkakabaon para manaig sa serye.

Ito ngayon ang pilit na gagawin ng San Miguel sa pagsagupa sa Alaska sa Game Seven ng 2016 PBA Philippine Cup Finals.

“Hindi na importante sa amin ang bonus, ang importante sa amin yung history,” sabi ni coach Leo Austria matapos ang 100-89 panalo ng Beermen sa Aces sa Game Six na nagtabla sa kanilang championship se­ries sa 3-3. “Iyon ang inaasam namin, pati siguro ka­yo (media) inaasam n’yo ‘yun.”

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay magsasalpukan ang San Miguel at Alaska ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos angkinin ng Aces ang Games One, Two at Three para sa tangkang pagwalis sa serye ay buma­ngon ang Beermen para sikwatin ang Games Four, Five at Six.

“Hindi nga namin akalain kasi nung una ang rason lang namin nung 0-3 kami, makaisa lang kami OK na. Ganun kami noon. Pero hindi namin akalain. Nagulat kami,” sabi ni San Miguel forward Arwind Santos.

Muling naglaro si back-to-back PBA Most Valua­ble Player June Mar Fajardo sa Games Five at Six ma­tapos magkaroon ng left knee injury sa kanilang semifinals series ng Rain or Shine.

Hangad ng San Miguel ang kanilang pang-22 PBA crown matapos talunin ang Alaska sa nakaraang Phi­lippine Cup at Governor’s Cup Finals.

Puntirya naman ng Aces ang ika-15 titulo, ang 13 dito ay mula kay two-time Grand Slam champion coach Tim Cone.

ACIRC ANG ARWIND SANTOS BEERMEN CUP FINALS GAME SEVEN GAME SIX GAMES FIVE GAMES FOUR GAMES ONE SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with