Philippine squash team bisita sa PSA Forum ngayon

(Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ang Philippine team, nagkampeon sa nakaraang 2nd South East Asian Cup Squash Championship sa Myanmar, ang magiging special guest sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Bibisita si Squash Rackets Association of the Philippines (SRAP) president Bob Bachmann at ang dalawang miyembro ng koponang kumuha ng isang gold, isang silver at dalawang bronzes sa Jan. 11-17 meet sa sesyon na isinasaere nang live sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ito ang magiging huling weekly session ng PSA bago idaos ang Annual Awards Night sa Feb. 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

Inaanyayahan ni PSA president Riera Mallari ng Manila Standard ang lahat ng miyembro na dumalo sa public sports program na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.

ANG PHILIPPINE ANNUAL AWARDS NIGHT BOB BACHMANN MANILA STANDARD ONE ESPLANADE PASAY CITY PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION RIERA MALLARI SAN MIGUEL CORP SHAKEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with