^

PM Sports

Derby Classic title buwenamano ni Orcollo para sa taong 2016

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakopo ni Dennis Orcollo ang titulo sa 2016 Derby City Classic 14.1 George Fels Memorial Straight Pool Challenge na ginanap sa Elizabeth sa Indiana, United States para sa kanyang unang titulo sa taong 2016.

Rumatsada si Orcollo sa kanyang finals match laban kay John Schmidt ng United States para sa dominanteng 125-14 panalo tungo sa kanyang buwenamanong titulo ngayong taon.

Ito ang ikalawang korona ni Orcollo sa natu-rang torneo matapos magkampeon sa edisyong ito noong 2014.

Pahabol na regalo rin ito para kay Orcollo na nagdiwang ng kanyang ika-37 kaarawan noong Enero 28.

Nakapasok sa finals si Orcollo nang patalsikin nito sa semifinals ang Amerikanong si Mike Davis habang nanaig naman si Schmidt laban kay Konstantin Stepanov ng Russia sa isa pang semis game.

Sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge, nagsosyo sa ikatlong puwesto sina Efren “Bata” Reyes at Dennis Orcollo matapos matalo sa semis.

Hindi umubra ang mahika ni Reyes kay Jayson Shaw ng Great Britain nang lumasap ito ng 8-11 kabiguan habang natalo naman si Orcollo kay Shane Van Boening ng United States, 9-11.

Nakapasok si Reyes sa Final Four nang patalsikin nito sina Darren Appleton ng Great Britain sa first round, 11-9 at Django Bustamante sa quarterfinals, 11-7.

Si Orcollo naman ay namayani laban kina Carlo Biado sa first round, 11-10 at Lee Van Corteza sa quarterfinals, 11-7.

Sa 9-Ball Banks Division, nagkasya sa ikaapat na puwesto si Orcollo sa likod nina John Brumback ng United States (champion), Shaw (runner-up) at Alex Olinger ng United States (third place).

ALEX OLINGER

BALL BANKS DIVISION

BALL CHALLENGE

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

GREAT BRITAIN

ORCOLLO

REYES

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with