^

PM Sports

Murray itinakda ang finals rematch kay Djokovic para sa Australian Open

Pang-masa

MELBOURNE, Australia - Pinatumba ni An­dy Murray si Milos Raonic 4-6, 7-5, 6-7 (4), 6-4 6-2, para makapasok sa finals ng Australian Open laban kay Novak Djo­kovic.

Dalawang beses bu­mangon ang World No. 2 na si Murray mula sa ka­biguan sa first at third set para sibakin si Raonic sa kanilang semifinals match.

Ang pagkakaroon ng leg injury ang nagpahirap sa pagkilos ng Canadian netter.

Isinara ni Murray ang laro nang ilusot ang isang crosscourt winner para sa kanyang pang-limang finals sa Melbourne Park.

Ito ang magiging ika­apat na pagharap ni Mur­ray kay Djokovic, ang Serbian World No. 1 pla­yer.

“I started to get a slightly better read on his serve later on and that was the key,” wika ni Murray, natalo kay Djokovic sa 2015 finals.

“He definitely slowed down in the fifth set for sure which was unfortunate for him,” dagdag pa nito sa leg injury ni Rao­nic. “I obviously got a bit lucky on that but you just try to focus on your side of the court.”

Nauna nang pinatalsik ni Djokovic si Roger Fe­derer sa pamamagitan ng isang four-set win kamakalawa.

Sa kanilang finals rematch ay nagkakaroon ang Serbian ng sapat na oras para makapagpahi­nga.

“It’s worked both ways for me. I played five finals. Definitely not every time it’s been me playing on the Friday. I think a couple of times I played the Thursday match,” sabi ni Murray.

ACIRC

ANG

AUSTRALIAN OPEN

DJOKOVIC

MELBOURNE PARK

MILOS RAONIC

NOVAK DJO

ROGER FE

SERBIAN WORLD NO

SHY

WORLD NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with