Huey umabot sa semifinals ng Australian open
(Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hanggang semifinals ang inabot ang mixed doubles partner nina Fil-Am Treat Huey at Slovenian Andreja Klepac ng Australian Open matapos yumukod kina American Coco Vandeweghe at Romanian Horia Tecau, 4-6, 4-6, sa Melbourne.

Nauna nang tinalo nina Huey at Klepac sa quarterfinals sina third seed Yung Jan Chan ng Chinese Taipei at Rohan Bopanna ng India, 6-2, 7-5.

Bagama’t natalo ay maipagmamalaki naman ni Huey na ang kanyang paglalaro sa semis ng torneo na siya nang pinakamataas na nakamit ng isang Filipino sa Grand Slam event matapos umabante si Beeyong Sison sa quarterfinals ng French Open noong 1981.

Nakipagtambal naman si Huey kay Max Mirnyi ng Belarus sa men’s doubles at natalo kina Canadian Da-niel Nestor at Czech Radek Stepanek, 4-6, 4-6, sa quarterfinals.  Dalawang beses nang nakapaglaro si Huey, isang veteran Davis Cupper, sa quarters ng isang Grand Slam noong 2013 US Open at 2014 Australian Open.

Makakalaban naman nina Vandeweghe at Tecau sa finals ang mananalo kina top seed Sania Mirza ng India at Ivan Dodig ng Croatia at No. 5 Elena Vesnina ng Russia at Bruno Soares ng Brazil.

AMERICAN COCO VANDEWEGHE AUSTRALIAN OPEN BEEYONG SISON BRUNO SOARES CANADIAN DA CHINESE TAIPEI CZECH RADEK STEPANEK DAVIS CUPPER ELENA VESNINA GRAND SLAM HUEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with