Ateneo umpisa na ang pagdedepensa ng titulo sa UAAP women’s volleyball
(Pang-masa) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bubuksan ng Ateneo ang  target na ‘three-peat’ kontra sa National University sa paghataw ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Linggo sa Filoil Flying V Arena.

Sasagupain ng Lady Eagles ang Lady Bulldogs ni coach Roger Gorayeb sa main game sa alas-4 ng hapon matapos ang laro ng UP Lady Maroons at UE Lady Warriors sa alas-2.

Makakatuwang ni Alyssa  Valdez para sa kampanya ng Ateneo sina Amy Ahomiro, Jho Maraguinot, Bea de Leon at setter Jia Morado katapat sina 6-foot-4 Jaja Santiago, Myla Pablo, Jorelle Singh, Ivy Perez at libero Bia General.

Hangad ng Lady Maroons na makakuha ng Final Four slot sa pa-ngunguna ng nagbabalik na sina Kathy Bersola at Nicole Tiamzon na makakatuwang sina rookie Isa Molde, Justine Dorog at Diana Carlos.

Samantala, puntirya naman ng Ateneo ang ikalawang sunod na men’s title sa pagharap sa University of Santo Tomas sa alas-10 ng umaga matapos ang bakbakan ng Far Eastern University at UP sa alas-8.

AMY AHOMIRO ATENEO BIA GENERAL DIANA CARLOS FAR EASTERN UNIVERSITY FILOIL FLYING V ARENA FINAL FOUR ISA MOLDE IVY PEREZ JAJA SANTIAGO LADY MAROONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with