^

May ilalabas pa ang Cafe France

(Pang-masa) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Marami pang ilalabas ang CafeFrance ayon kay coach Egay Macaraya matapos ang kanilang 89-65 season-opening win laban sa Mindanao Aguilas sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup.

“Gustong maging agresibo ng lahat kaya na-ging out of control,” sabi ni Macaraya sa naitalang 13 turnovers ng kanyang Bakers sa first quarter. “Hopefully, maka-adjust kami since first game pa lang naman.”

Kumpiyansa si Macaraya na maitatala ng CafeFrance ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa BDO-NU ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Wangs Basketball at Aguilas sa alas-4 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Muling ipaparada ng Bakers ang kanilang mga veterans at rookies mula sa CEU Scorpions laban sa Bulldogs.

“Medyo mahirap lang kasi combined yung team with the old players and the new ones. Dahil dun kaya di pa kami masyadong buo,” ani Macaraya.

ACIRC AGUILAS D-LEAGUE ASPIRANTS DAHIL EGAY MACARAYA GUSTONG MACARAYA MINDANAO AGUILAS PASIG CITY WANGS BASKETBALL YNARES SPORTS ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with