_pang-masa
^

Jr. Altas nakalapit sa NCAA volley title

(Pang-masa) - January 19, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Pinatumba ng Perpetual Help ang Emilio Aguinaldo, 25-13, 25-18, 25-16 para makalapit sa pagsikwat sa kanilang ikalawang sunod na korona sa 91st NCAA juniors volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si team captain Jody Margaux Severo ng match-best 11 hits, tampok ang 6 kills at 4 blocks para ibigay sa Junior Altas ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three title series ng Brigadiers.

“The boys were determined to take this one, they were really focused on winning,” wika ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.

Tatargetin ng Las Piñas-based school na walisin ang EAC sa Game Two sa Biyernes.

Kung mananalo ang Brigadiers ay itatakda ang Game Three sa susunod na Martes.

Tinapatan ng Junior Altas ng matibay na net defense ang atake ng Brigadiers para angkinin ang Game One.

“We came into the finals to really deny their spikers and double our efforts in scrambling for the ball and the boys succeeded on both,” ani Rieta.

Dahil sa matinding depensa ng Perpetual Help ay apat na EAC players ang nakaiskor sa pangunguna ng tig-8 points nina skipper Cee-Hay Hicap at Ralph Joshua Pitogo.

ANG CEE-HAY HICAP EMILIO AGUINALDO GAME ONE GAME THREE GAME TWO JODY MARGAUX SEVERO JUNIOR ALTAS LAS PI PERPETUAL HELP RALPH JOSHUA PITOGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with