^

PM Sports

Dela Cruz, Daquioag at Del Rosario kikilalanin sa 2016 Collegiate Basketball Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kukumpletuhin ng da­lawang players na na­ging major stars at isang legendary coach ang 2015 awardees na pararangalan sa Collegiate Basketball Awards na inihahandog ng UAAP-NCAA Press Corps at Smart Sports sa Ene­ro 26 sa Saisaki-Ka­ma­yan sa EDSA.

Tatanggapin nina San Beda guard Arthur dela Cruz at University of Santo Tomas forward Ed Daquioag ang Impact Player awards.

Ibibigay naman kay le­gendary coach Aric del Rosario, dating mentor ng UST Tigers, ang Lifetime Achievement Award.

Kikilalanin din sina Arellano University guard Jiovanni Jalalon at La Salle star Jeron Teng sa event na suportado ng ACCEL Quantum-3XVI, Gatorade, UAAP Season 78 host University of the Philippines, NCAA Season 91 host Mapua, San Miguel Corporation at Phi­lippine Sports Com­mis­sion.

Si Jalalon ang hinirang na Accel Court Ge­neral trophy, samantalang tatanggapin ni Teng ang Gatorade Energy Player award.

Sina Dela Cruz at Da­quioag ang naging da­lawang best players sa college basketball sa na­karaang season nang tu­ma­pos bilang runner-up ang Red Lions at Tigers sa NCAA at UAAP, ayon sa pagkakasunod.

Makakasama naman ni Del Rosario si dating San Beda high school men­tor Ato Badolato sa lis­tahan ng mga nanalo ng nasabing award para sa paggiya niya sa UST sa UAAP four-peat run no­ong 1993-1996.

Nagsilbi rin si Del Ro­sario bilang mentor ng Per­petual Altas sa NCAA.

Nangunguna sa mga awar­dees ay sina Nash Ra­cela ng FEU at Aldin Ayo, dating Letran mentor at ngayon ay nasa La Salle, na tatanggap ng top coaching honors matapos ihatid sa kampeonato ang kanilang mga koponan sa UAAP at NCAA.

ACCEL COURT GE

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

ATO BADOLATO

COLLEGIATE BASKETBALL AWARDS

DEL RO

LA SALLE

SAN BEDA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with