Dalisay nagwagi kay Verdad sa qualifying ng ATP Challenger
(Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinadapa ni Fil-Spanish Diego Garcia Dalisay ang kababayang si Fritz Verdad, 6-3, 6-2, para ma­ging nag-iisang Filipino survivor sa unang araw ng qualifying round ng ATP Challenger Philippine Open kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Binuhay ng 16-anyos na si Dalisay, isinilang sa Madrid, Spain at kinakatawan ang Pilipinas, ang tsansa para sa tiket sa main draw ng $75,000 event.

Susunod niyang makakatapat ang 27-anyos na si Croatian Nikola Mektic, nagtala ng 2-6, 6-3, 6-4 panalo kay Italian Stefano Napolitano.

Ang iba pang Pinoy na nakapasok sa main draw sa pamamagitan ng wild card ay sina Fil-Am Ruben Gonzales, Jeson Patrombon, AJ Lim at Francis Casey Alcantara.

Nabigo naman sina Patrick John Tierro at Le­an­der Lazaro kina Taiwanese Yi Chu Huan, 4-6, 7-5, 3-6, at South African Ruan Roelofse, 1-6, 2-6, ayon sa pagkakasunod.

ACIRC CHALLENGER PHILIPPINE OPEN CROATIAN NIKOLA MEKTIC FIL-AM RUBEN GONZALES FIL-SPANISH DIEGO GARCIA DALISAY FRANCIS CASEY ALCANTARA FRITZ VERDAD ITALIAN STEFANO NAPOLITANO JESON PATROMBON PATRICK JOHN TIERRO RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with