WVL pakakawalan ng Best Center bukas
(Pang-masa) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pakakawalan na bukas ang 20th Women’s Volleyball League na inaasahang lalahukan ng higit sa 50 koponan na maglalaban sa apat na dibisyon sa Xavier School gym.

Inorganisa ng Best Center at itinataguyod ng Milo, ang WVL ay isa lamang sa mga longest-running junior volleyball leagues na naghahangad na mapalakas pa ang sport na nahimbing ng ilang dekada.

Si Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) president Joey Romasanta ang magiging main guest at speaker para sa opening ceremony, ayon kay Best Center founder at president Nic Jorge, isang dating national basketball coach.

Itataya ng St. Paul College-Makati ang kanilang korona sa 13 under Developmental Division laban sa 12 pang koponan, habang ipagtatanggol ng Colegio San Agustin-Makati ang titulo nila sa 13 under Competitive Division.

Layunin naman ng La Salle College-Antipolo na mapanatiling suot ang kanilang 17 under Deve-lopmental division title, habang ito rin ang hangarin ng Hope Christian School sa kanilang 17 under Competitive Division crown.

ANG BEST CENTER COLEGIO SAN AGUSTIN-MAKATI COMPETITIVE DIVISION DEVELOPMENTAL DIVISION HOPE CHRISTIAN SCHOOL JOEY ROMASANTA LA SALLE COLLEGE-ANTIPOLO NIC JORGE SI LARONG VOLLEYBALL ST. PAUL COLLEGE-MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with