Philippine Azkals humugot ng firepower at reinforcements
Olmin Leyba (Pang-masa) - January 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakakuha ang Phi­lippine Azkals ng ki­na­kailangang firepower at reinforcements bago ang ka­ni­lang joint qua­lifiers sa 2018 FIFA World Cup at sa 2019 AFC Asian Cup.

Sumama sa Azkals si­na Iain Ramsay, Luke Woodland, Stephan Pal­la at Kevin Ingreso, habang nagbalik naman sina Stephan Schrock at Javier Patino para mu­ling mapabilang sa mga regulars na sina Phil Younghusband, Misagh Ba­hadoran at Rob Gier.

Nanggaling ang Az­kals sa 2-1 panalo la­ban sa Bah­rain (2-1) at isi­­nunod ang Yemen, 2-0, sa pagsisimula ng Group H.

Matapos ito ay naka­lasap naman ang kopo­nan ng 1-5 kabiguan sa Uzbekistan at nakatapat ang North Korea at Bahrain noong Oktubre.

Napuwersa ng Phl XI ang North Koreans sa scoreless draw sa Pyongyang.

Subalit muli na namang nakatikim ng pag­kata­lo ang Azkals nang yumukod sa Bahrain, 0-2, at Ye­men, 0-2 na unti-unting nagsara ng pintuan sa ka­nilang tsansang makalaro sa World Cup bid.

May dalawa pa silang laban na natitira sa group play.

Dahil dito ay hangad na lamang ng Azkals na makatapos sa ikatlo sa kanilang grupo kasabay ng pagtutok sa paglahok sa Asian Cup, ang premier competition ng kontinente.

 

ACIRC ANG ASIAN CUP AZKALS BAHRAIN GROUP H IAIN RAMSAY JAVIER PATINO KEVIN INGRESO SHY WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with