3-man coaching staff iniluklok ng Perpetual para sa 2016 NCAA season
(Pang-masa) - December 15, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang three-man coaching staff na kinabibila-ngan ng isang lawyer, dating import at school owner, ang bubuo sa coaching staff ng Perpetual Help Altas sa 92nd NCAA senior basketball season sa susunod na taon.

Sinabi kahapon ni Jeff Tamayo, ang athletic director at representive ng Perpetual sa NCAA Management Committee, na sina Perpetual Help owner Antonio Tamayo, Atty. Neil Barry Tobias at Nigerian Nic Omorogbe ay kanilang iniluklok bilang coaches ng Altas matapos ang liderato ni Aric del Rosario.

“We’re happy and confident with our new coaching staff and they will start preparations anytime now,” wika ni Tamayo.

Si Tamayo ang nagmamay-ari ng mga Perpetual Help schools at hospitals at dating teammate ni del Rosario sa University of Santo Tomas’ high school cage team at founding head ng Phl soft tennis.

Si Tobias naman ay isang La Salle alumnus na nagtapos sa law school sa Perpetual Help habang si Omorogbe ay dating bahagi ng Perpetual Help squad na nakatuntong sa Final Four noong 2012 at 2013.

ANTONIO TAMAYO FINAL FOUR JEFF TAMAYO LA SALLE MANAGEMENT COMMITTEE NEIL BARRY TOBIAS NIGERIAN NIC OMOROGBE PERPETUAL HELP PERPETUAL HELP ALTAS SI TAMAYO SI TOBIAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with