Finals MVP trophy ni Alyssa inialay niya sa mga fans
(Pang-masa) - December 10, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bilang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga, inialay ni Alyssa Valdez ang kanyang Final MVP trophy sa kanyang mga tagasuporta matapos pangunahan ang PLDT Home Ultera sa pag-sweep sa Phil. Army sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference championship sa The Arena sa San Juan last Sunday.

“This is for the fans,” sabi ni Valdez nang kanyang tanggapin ang MVP trophy para sa mga fans na sumuporta sa kanya at sa Ultra Fast Hitters laban sa Lady Troopers.

“I’m deeply, deeply grateful for their loyalty and undying support. Win or lose, they’re always behind me,” ani Valdez.

Ang reigning back-to-back UAAP MVP ay na-ngailangan lang ng dalawang games upang ipakita ang kanyang pambihirang talent.

Hindi siya nakalaro sa buong eliminations dahil sa kanyang commitment sa Ateneo kaya sa finals lamang siya sumalang.

Tinulungan niya ang PLDT sa Game 1 na makabangon mula sa dalawang set na pagkakalubog tungo sa  kanilang five-set win.

Hataw pa rin siya sa Game 2 tungo sa four-set win ng Ultra Fast Hitters  para ma-sweep ang best-of-three series.

Tumapos siya ng 25 points sa opener para makuha ang Player of the Game honors sa kanyang unang laro sa season-ending conference ng pinakasikat na commercial league ng women’s volleyball sa bansa.

Katulong sina American guest player Sareea Freeman, Gretchel Soltones at Sue Roces, nagtala si Valdez ng 22 points sa Game 2 para muling tanghaling top player ng laro kaya wala siyang naging kalaban para sa Finals MVP award.

ACIRC ALYSSA VALDEZ ANG GRETCHEL SOLTONES HOME ULTERA KANYANG LADY TROOPERS PLAYER OF THE GAME REINFORCED CONFERENCE ULTRA FAST HITTERS VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with