LS-Greenhills, Adamson kampeon sa SBP
(Pang-masa) - December 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dumating ang mga Manila-based teams bilang paborito at umalis silang national champions.

Pinatumba ng La Salle Greenhills at ng Adamson University ang kanilang mga karibal para angkinin ang korona ng Small Basketeers Philippines (SBP) at Passerelle division championships sa 2015 SBP Passerlle Twin Tournament na itinataguyod ng Milo at idinaos sa Easter College Gym sa Baguio City.

Tinalo ng La Salle Greenhills ang Ateneo de Iloilo, 55-44 samantalang bumangon ang Adamson mula sa halftime deficit para balikan ang Ateneo de Davao University, 75-64.

Kaagad lumamang ang La Salle sa first period, 16-6 na tinampukan ng 12 points ni Mark Torrijos bago iposte ang 36-13 bentahe sa halftime sa likod nina Kenji Duremdes at Victorino Torres.

Nakalapit ang Ateneo De Iloilo sa 28-47 agwat hanggang muling mag-init ang Greenies kung saan muling nagbida si Duremdes, anak ni PBA legend Kenneth Duremdes.

Tumapos si Duremdes na may 16 points para sa panalo ng LSGH kasunod ang 14 ni Torrijos.

Kinuha naman ng Mindanao champion na Ateneo de Davao University ang 20-11 bentahe sa first quarter kasunod ang pagdikit ng Adamson sa halftime, 31-34.

ADAMSON ADAMSON UNIVERSITY ANG ATENEO ATENEO DE ILOILO BAGUIO CITY DAVAO UNIVERSITY DUREMDES EASTER COLLEGE GYM KENJI DUREMDES LA SALLE GREENHILLS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with