_pang-masa
^

Okafor sinuspindi dahil sa pakikipag-away sa fans

(Pang-masa) - December 3, 2015 - 9:00am

NEW YORK – Sinuspinde ng Philadelphia 76ers ng dalawang laro si rookie Jahlil Okafor matapos ilabas ang ikalawang video na kanyang kinasangkutang away sa Boston na itinago niya sa koponan.

Sinabi ni coach Brett Brown na gusto ng orga-nisasyon na ipakita ang kanilang “tough love” kay Okafor at nagulat siya nang mapanood ang video na ipinalabas ng TMZ.

“I think that if lessons are to be learned and this 19-year-old young man has to learn the responsibility of wearing a 76er uniform and carrying an NBA logo, and it has to be done in the magnitude and the national media spotlight as it has been delivered to make our point, then I say that’s not a bad thing,” sabi ni Brown.

“Let’s make our point. It is hard love. There have been mistakes that have been made, he does own it,” dagdag pa nito. “Nobody’s proud of this right now and so we will support him, he’s ours and we will move on.”

Ipinakita sa ikalawang video ang pakikipag-away ni Okafor sa Boston matapos ang kabiguan ng Sixers kontra sa Celtics noong nakaraang buwan.

Hinikayat ng pulisya ang lahat ng nakaaway ni Okafor na magsampa ng reklamo.

Inamin ng 19-anyos na rookie na lubha siyang nahihiya sa kanyang ginawa na bunga ng pambubuska sa kanya ng mga Celtics fans.

ACIRC ANG BRETT BROWN HINIKAYAT INAMIN IPINAKITA JAHLIL OKAFOR OKAFOR SINABI SINUSPINDE VIDEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with