Barako nagpalakas ng tsansa sa quarterfinals.
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 3, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpigil sa kanilang dalawang sunod na kamalasan ay pinalakas naman ng Barako Bull ang kanilang tsansa sa quarterfinals ticket.

Humakot si small forward William Wilson ng career-high na 28 points at 20 rebounds para tulungan ang Energy sa 105-98 overtime win laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

“We treated this game with the sense of urgency. We talked about this game even before the Rain or Shine game,” sabi ni coach Koy Banal. “Now from start to finish they showed it. We just need to be consistent, we need to learn from our setback.”

Sa tournament format, ang top two teams matapos ang eliminasyon ay mabibigyan ng automatic semifinals berths, habang ang pupuwesto sa No. 3, 4, 5 at 6 ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7 sa quarterfinals.

Matapos ang dala-wang free throws ni rookie Troy Rosario para makatabla ang Tropang Texters sa 97-97 sa huling 15.5 segundo ay nagmintis ang drive ni Wilson sa panig ng Energy patungo sa extra period.

Tanging ang free throw lang ni Jayson Castro ang naging produksyon ng Talk ‘N Text sa 2:43 minuto ng overtime kasunod ang basket at foul shot ni Wilson sa huling 1:11 minuto.

Ang basket interference ni Tropang Texters rookie Moala Tautuaa sa iniluwang free throw ni JC Intal ang nagbigay sa Energy ng 105-98 abante sa nalalabing 32 segundo.

BARAKO 105 - Wilson 28, Garcia 22, Intal 12, Fortuna 10, Baracael 9, Brondial 7, Lanete 6, Miranda 6, Urbiztondo 3, Monfort 2, Pennisi 0, Caperal 0.

TNT 98 - Tautuaa 20, Castro 19, Rosario 19, Carey 8, Williams 8, Miranda 7, Rosser 6, Reyes R. 6, Fonacier 5, Reyes J. 0, Seigle 0.

Quarterscores: 19-27, 44-43, 78-75, 97-97, 105-98.

 

ACIRC ANG BARAKO BULL INTAL JAYSON CASTRO KOY BANAL MALL OF ASIA ARENA MIRANDA MOALA TAUTUAA N TEXT TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with