Sixers nalasap ang record na 0-18 start
(Pang-masa) - November 30, 2015 - 9:00am

MEMPHIS, Tenn. – Muling nakalapit ang Phi­ladelphia 76ers sa pagpi­gil sa kanilang kamalasan.

Ngunit hindi na naman nila ito nakumpleto.

Gumamit ang Memphis Grizzlies ng isang fourth-quarter rally para ba­likan ang Sixers at ku­nin ang 92-84 panalo.

Ipinatikim ng Grizzlies ang NBA-record na ika-18 sunod na kabiguan ng 76ers ngayong season.

Ang 0-18 start ng Phi­ladelphia ang dumuplika sa nalasap ng New Jersey Nets noong 2009-2010 sea­son.

Ito ang pang-28 sunod na kamalasan ng Si­xers na pinakamahaba sa anumang apat na pangu­nahing United State sports.

“We did not want to be that team to (lose to the Sixers) because we’ll be in the history books for that reason,” sabi ni Memphis guard Mike Conley, pinamunuan ang Grizzlies sa kan­yang 20 points. “The games are tough. You can only do wrong. They can do anything they want. They’re just trying to do whatever they can to win.”

Nagtala naman si Zach Randolph ng 17 points at 11 rebounds para sa Mem­phis, habang nagdag­dag sina Matt Barnes at Jeff Green ng tig-13 points.

Ito ang pang-pitong pa­nalo ng Grizzlies sa ka­nilang huling siyam na laro.

Pinamunuan naman ni Isaiah Canaan ang Si­xers sa kanyang 16 points kasunod ang tig-12 nina Robert Covington at Hollis Thompson at 11 ni Je­rami Grant.

Nagtala ang Memphis ng season-high na 26 turnovers at may 27 naman ang Philadelphia.

Kinuha ng Sixers ang 76-71 abante sa 7:38 mi­nuto ng fourth period ba­go naghulog ang Grizzlies ng mapamuksang 15-1 bom­ba para agawin ang pa­nalo.

ACIRC ANG HOLLIS THOMPSON ISAIAH CANAAN ITO JEFF GREEN MATT BARNES MEMPHIS GRIZZLIES MIKE CONLEY NAGTALA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with