^

PM Sports

Ravena tinawag na MVP si Ferrer

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi lamang siya ang karapat-dapat hirangin bilang Most Valuable Player ng 78th UAAP men’s basketball tournament.

Sinabi ni back-to-back UAAP MVP Kiefer Ravena ng Ateneo na dapat ding kilalanin si Kevin Ferrer dahil sa kontribusyon nito sa University of Santo Tomas.

Matapos hirangin bilang UAAP MVP sa ikalawang sunod na taon ay tinawag ni Ravena si Ferrer para sabay na itaas ang MVP trophy.

“I share it with him kasi he deserve it talaga,” sabi Ravena na tinalo si Ferrer pa­ra sa pinakamataas na individual honor base sa statistics.

Naglista si Ravena ng mga averages na 18.9 points, 6.1 rebounds at 4.9 assists para sa Blue Eagles,  sinibak ng Far Eastern University Tamaraws sa Final Four, sa kanyang huling taon.

Nauna nang inungusan ni Ferrer si Ravena para sa UAAP MVP sa juniors’ division sa kanilang ikaapat na taon sa high school.

 

ACIRC

ATENEO

BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

FINAL FOUR

KEVIN FERRER

KIEFER RAVENA

MATAPOS

MOST VALUABLE PLAYER

RAVENA

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with