1-0 bentahe pag-aagawan ng Ultrafast Hitters at Lady Troopers
(Pang-masa) - November 27, 2015 - 9:00am

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan)

12:45 p.m.- PLDT vs Army (Game 1, Finals)

3 p.m.- Navy vs UP (third place)

 

MANILA, Philippines – Ipaparada ng PLDT Home Ultera si UAAP Most Valuable Player Alyssa Valdez sa pagsagupa sa Army sa Game One ng Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference Finals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Ultrafast Hitters at ang Lady Troopers ngayong alas-12:45 ng hapon sa Game One ng kanilang best-of-three title series.

Dinomina ng PLDT ang University of the Phi­lip­pines, 25-11, 25-17, 25-17, habang pinabagsak ng Army ang Navy, 25-16, 25-10, 25-22, sa ka­nilang mga semifinals matches noong nakaraang ling­go.

Tinalo na ng Lady Troopers ang Ultrafast Hitters, 25-23, 23-25, 25-11, 19-25, 15-13, sa elimina­tion round noong Oktubre 25.

Ngunit labis na nagpalakas ang PLDT sa pag­hugot kina American imports at dating US NCAA Di­vision I standouts Victoria Hurtt at Sareaa Freeman.

Nagdesisyon si coach Roger Gorayeb na ipahi­nga sina Hurtt at Freeman sa naturang panalo ng Ultrafast Hitters kontra sa Lady Maroons sa semis.

Makakatuwang nina Hurtt at Freeman si Valdez, ang Open at Collegiate Conference MVP.

“It will mean more attacking options for us with Alyssa around,” sabi ni Gorayeb sa paglalaro ni Valdez.

Hindi nakalaro si Valdez sa elimination round pa­ti na sa semifinals dahil sa kanyang beach volley commitment sa Ateneo at ang nararamdamang back injury.

Ibabandera namang muli ng Army sina Tina Sa­lak, Jovelyn Gonzaga, Aby Maraño, Honey Royse Tubino at Mary Remy Joy Palma among others.

Maliban kina Hurtt, Freeman at Valdez ay aasahan din ng PLDT sina dating league MVP Aiza Pontillas at Janine Marciano, nangga­ling sa Caga­yan Valley Rising Suns.

ABY MARA ACIRC AIZA PONTILLAS ANG COLLEGIATE CONFERENCE GAME ONE HURTT LADY TROOPERS SHY ULTRAFAST HITTERS VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with