Army at PLDT paplantsahin ang kanilang Finals rematch
(Pang-masa) - November 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pipilitin ng PLDT Home Ultera at ng Phi­lip­pine Army na itakda ang inaabangan nilang championship duel sa ka­nilang pagsagupa la­ban sa University of the Philippines at Navy, ayon sa pagkakasunod, sa semifinal round ng Sha­key’s V-League Season 12-Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng Lady Troopers, winalis ang five-game elimination round, ang Lady Sai­lors ngayong alas-3 ng hapon matapos ang bak­bakan ng Ultrafast Lady Spikers at Lady Maroons sa alas-12:45 ng tanghali.

Kapwa may hawak na ‘twice-to-beat’ ad­van­tage ang PLDT at ang Army laban sa UP at Navy, ayon sa pagkaka­sunod.

Kung mananalo ang Lady Troopers at Ultrafast Lady Spikers ay ma­paplantsa nila ang isang best-of-three title series na magsisimula sa Nobyembre 28.

Ito ang kanilang mag­sisilbing rematch ma­tapos maglaban sa na­karaang Open Conference Finals noong Ma­yo na naipanalo ng Ar­my sa Game Three.

Sinabi ni PLDT coach Roger Gorayeb na mas lumaki ang ka­nilang bentahe laban sa UP sa pagdating nina da­ting US NCAA Division 1 standouts Victoria Hurtt at Serea Freeman.

Hangad ni Gorayeb na maging unang coach sa league history na nakakuha ng Grand Slam.

Sa likod ng pinagsamang 36 points nina Hurtt at Freeman ay ki­nuha ng Ultrafast Lady Spikers ang 25-12, 25-12, 23-25, 25-21 panalo laban sa Kia Forte sa hu­ling laro ng elimination round.

Tinalo na ng PLDT ang UP, 25-12, 22-25, 25-15, 25-17, sa una ni­lang pagkikita.

ACIRC ANG GAME THREE GRAND SLAM HOME ULTERA KIA FORTE LADY LADY MAROONS LADY TROOPERS SHY ULTRAFAST LADY SPIKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with