Castro iginiya ang TNT sa panalo
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ipinakita na naman ni Jayson Castro kung bakit siya ang pinakamahusay na point guard sa Asya.

Humugot si Castro ng pito sa kanyang game-high na 33 points sa hu­ling dalawang minuto ng laro para tulungan ang Talk ‘N Text sa 91-86 pa­nalo kontra sa Star sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Dumiretso ang Tropang Texters sa kanilang pa­ngatlong sunod na rat­sada para makatabla ang nagdedepensang San Mi­guel Beermen, Rain or Shine Elasto Painters, Alas­ka Aces at Globalport Batang Pier sa liderato.

Kinuha ng Talk ‘N Text ang 70-62 abante sa third period bago naka­lapit ang Star sa 78-79 ag­wat mula sa three-point play ni Fil-Am guard Justin Melton sa 4:33 minuto ng fourth quarter.

Ang tres ni Castro ang nagbigay sa Tropang Texters ng 86-82 bentahe kasunod ang kanyang fast­break layup mula sa agaw niya para iwanan ang Hotshots sa 88-82 sa huling 39.9 segundo.

Samantala, sasagupain ng Beermen ang Ginebra Gin Kings ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang salpukan ng Barako Ba­rako Bull Energy at Me­ralco Bolts sa alas-3 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hangad ng San Mi­guel na masolo ang li­derato, habang target ng Ginebra ang kanilang ikalawang panalo sa apat na asignatura.

TALK ‘N TEXT 91 - Cas­tro 33, Fonacier 10, Re­yes 9, Rosario 9, Roser 9, Tau­tuaa 8, Carey 4, Seigle 4, Miranda 3, Aban 2.

Star 86 - Melton 25, Pingris 17, Simon 11, Barroca 10, Yap 9, Sangalang 6, Mallari 5, Torres 2, Pascual 1, Taha 0, Maliksi 0.

Quarterscores:  26-25; 52-44; 70-62; 91-86.

ACIRC ANG BARAKO BA BEERMEN BULL ENERGY GINEBRA GIN KINGS GLOBALPORT BATANG PIER N TEXT SAN MI SHY TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with