US Open 9-Ball Championship Sibak na lahat ng Pinoy
AT (Pang-masa) - October 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Namahinga na ang mga Filipino cue-artists na nalagay sa loser’s bracket sa 40th US Open 9-ball Championship na ginagawa sa Sheraton Waterside sa Norfolk, Virginia.

Ang pumangalawa noong nakaraang taon na si Dennis Orcollo ay umabot sa 9th round pero minalas siya  kay Liu Hai-tao ng China, 6-11.

Bago ito ay namayani siya kay Skyler Woo-deward ng USA, 11-4 sa kababayang si Warren Kiamco, 11-4 kay Mike Dechaine ng US, 11-6 at Oliver Ortmann ng Germany, 11-10.

Natalo na rin sina Carlo Biado, Jeffrey Ignacio, Francisco Felicilda, Jundel Mazon at Roberto Gomez para maghintay uli ng isang taon ang mga pambato ng bansa para makatikim uli ng titulo sa kompetisyon.

Si Biado ay nagwagi kay Darren Appleton ng England, 11-8 pero nasibak kay Corey Deuel ng US, 10-11; si Ignacio na nagwagi kay Mika Immonen ng Finland, 11-8 ay nasibak kay Mazon, 8-11.

Hindi naman nasundan ang panalo ni Mazon dahil yumuko siya kay Ruslan Chinakov ng Russia, 9-11 si Felicilda na nagwagi kay Thorsten Hohmann ng Germany, 11-6 ay natuluyan kay Rodney Morris ng USA, 10-11 at si Roberto Gomez ay tinalo ni Denis Grabe ng Estonia, 8-11.

Tunay na mataas ang kalidad ng kompetisyon ngayong taon dahil ang three-time defending champion na si Shane Van Boening ng US ay sibak na rin nang mabigo sa kababa-yang si Deuel, 9-11.

CARLO BIADO COREY DEUEL DARREN APPLETON DENIS GRABE DENNIS ORCOLLO FRANCISCO FELICILDA JEFFREY IGNACIO JUNDEL MAZON KAY LIU HAI ROBERTO GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with